Implementasyon ng Pabahay program ng gobyerno, pinabibilis ng DHSUD Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

๐ˆ๐Œ๐๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐€๐˜ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐๐† ๐†๐Ž๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž, ๐๐ˆ๐๐€๐๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’ ๐๐† ๐ƒ๐‡๐’๐”๐ƒ ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…

Hinimok ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang lahat ng Regional Directors nito na pabilisin ang pagpapatupad ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program sa kanilang nasasakupan.

Ang apela ay ginawa ni Secretary Acuzar sa ginanap na alignment meeting sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Central Office na dinaluhan ng 16 na regional director.

Sinabi ng kalihim na dapat magkaroon ng isang direksyon ang lahat ng tanggapan ng DHSUD sa implementasyon ng “Pambansang Pabahay.”

Binanggit din niya ang mahalagang papel ng DHSUD Regional Offices kung makamit lamang ang target ng programa na makapagtayo ng isang milyong bahay kada taon hanggang 2028.

Ito’y upang matugunan ang backlog ng pabahay sa bansa na abot sa mahigit 6.5 milyong units.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us