Makakaranas ng katamtaman hanggang may kalakasang pag ulan ang Metro Manila at ilang kalapit lalawigan ngayong hapon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, asahan na umano ang mga pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin sa susunod na dalawang oras.
Bukod sa National Capital Region (NCR), mararamdaman din ang mga pag-ulan sa lalawigan ng Cavite, Batangas at Quezon.
Apektado din ang Binangonan at Angono sa Rizal at ilang kalapit lugar nito.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng epekto nito tulad ng pagbaha lalo na sa mababang lugar at pagguho ng lupa.| ulat ni Rey Ferrer