Ibinida ng Special Forces Regiment (Airborne) ng Philippine Army kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang kakayahan at mga kagamitan sa selebrasyon ng kanilang ika-61 Founding Anniversary, na sinaksihan ni Pangulong Marcos, sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Nagkaroon rin ng hostage taking scenario, kung saan ipinamalas ng special forces ang kanilang galing, karanasan, at istratehiya sa pag-responde sa ganitong kaganapan.
Ngayong araw, ginawaran rin ng Special Force badge ang Pangulo, kasabay ng pagpapakita ng audio – visual presentation, noong panahon na nagsilbi ang Pangulo sa militar.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, kinilala nito ang papel na ginampanan ng mga dati at kasalukuyang tauhan ng special forces, hindi lamang aniya sa panahon ng kaguluhan bagkus ay maging sa panahon ng kapayapaan.
“We are grateful to have witnessed the efforts that leverage your expertise and demonstrate the core principles in the performance of your duties. Your mastery of unconventional warfare strategies becomes all the more relevant and significant in view of the complex threats that our nation now faces.” saad ni Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, siniguro ng Pangulo na ang Marcos Administration ay patuloy na susuporta sa hanay ng Armed Forces of the Philippines, sa pagpapabuti at pagpapalakas pa ng kanilang kakayahan at mga kagamitan.
“We assure you of the Administration’s unassailable commitment and that of your Commander-in-Chief’s support in all of your undertakings, strengthening your capabilities, and ensuring your welfare and that of your families. We have adopted the Riverine Operations Equipment Project to further improve your capabilities in riverine operations.” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bukod sa Pangulo, present rin sa kaganapan sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo, at DND Secretary Gilbert Teodoro Jr. | ulat ni Racquel Bayan