Higit P8.1M na halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEA sa Las Piñas City at Sta. Rosa, Laguna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa higit P8.1M na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Las Piñas City at Sta. Rosa, Laguna.

Sa lungsod ng Las Piñas, nasamsam ang 200g ng shabu na nakasilid sa mga candle jar at 800g ng naturang iligal na droga na nasa aluminum baking pan.

Nagkakahalaga ang mga ito ng P6.8M.

Arestado ang isang suspek na kinilalang si Bryan Hong.

Sa lungsod ng Sta. Rosa sa probinsya ng Laguna, narekober ang 200g ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.3M.

Timbog ang tatlong suspek na kinilalang sina Lilibeth Pascual, Charles Ian Cordero, at Lady Patricia Sarmiento.

Mahaharap ang lahat ng inaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us