AFP, nagpasalamat sa publiko sa mataas na approval rating sa Publicus 2nd quarter survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat sa publiko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkamit ng isa sa pinakamataas na approval rating ng mga ahensya ng gobyerno sa 2nd Quarter Publicus Asia Pahayag survey.

Sa naturang survey na isinagawa mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 12, 2023, nakamit ng AFP ang pangalawang pinakamataas na approval rating ,kapantay ang Department of Science and Technology (DOST).

Sa isang statement, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Ileto na ipinagpapasalamat nila ang patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa ng sambayanan sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Ileto, ang resulta ng survey ay tinatanggap ng AFP bilang isang hamon upang lalong pahusayin ang pagganap sa kanilang mandato bilang protektor ng mga mamamayan at estado.

Nakipag-ugnayan na aniya ang AFP sa Publicus Asia upang malaman kung anong mga aspeto ng kanilang pagseserbisyo ang kailangang i-improve.

Binati rin ni Ileto ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagkamit ng pinakamataas na approval rating sa naturang survey, at sinabing ang TESDA ay isang maasahang “partner” ng militar sa pagtulong sa pagbabagong-buhay ng mga dating rebelde. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us