Nagtayo na ng One Repatriation Command Center ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa pag-agapy sa kababayan nating mabibiktama ng karahasan at iba pang kakailanganin tulong ng bawat OFW.
Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, ito’y upang mas matutukan ng kanilang tanggapan ang mga kinakailangang assistance ng ating mga OFW kabilang na ang legal assistance.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang transition period ng Department of Foreign Affairs (DFA) at DMW para sa palilipat ng Assistance To the Nationals sa darating na July 1.
Dagdag pa ni Ople na sa tulong ng bagong Command Center ay bukod sa legal assistance, kabilang din dito ang medical assistance, repatriation, at shipment of remains ng ating mga kababayang OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio