Panukalang i-akyat sa UNGA ang isyu sa WPS, dapat munang pag-aralan — DND Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na dapat munang pag-aralang mabuti kung makakatulong sa Pilipinas ang pag-aakyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ng iringan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay ng panukala sa Senado na mag-sponsor ang pamahalaan ng isang resolusyon sa UNGA na magpapatigil sa China sa panghaharas sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teodoro, kailangang ikonsidera ng Pilipinas kung anong aksyon ang magagawa ng UNGA kaugnay ng naturang usapin.

Paliwanag ni Teodoro, ang pag-enforce ng resolusyon ng UNGA ay kailangang aprubahan ng UN Security Council, kung saan ang alinman sa limang permanenteng miyembro nito ay may kapangyarihan na i-veto o ibasura ang resolusyon.

Ang limang permanenteng miyembro ay China, France, Russian Federation, United Kingdom, at United States.

Gayunman, sinabi ni Teodoro na mahalagang maging “aware” ang international community sa nangyayari sa West Philippine Sea, at kung ito ay sa pamamgitan ng pagdulog sa UNGA o sa iba pang paraan, ay nasa poder na ng Department of Foreign Affairs. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us