Umabot na sa mahigit 14,000 indibidwal na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Legazpi, Albay ang nabigyan ng tulong ng Philippine Red Cross o PRC.
Namahagi ang PRC Albay chapter ng mga non-food items gaya ng sleeping kits, shelter kits, at water container.
Ayon sa PRC, nakapagbigay na sila ng tulong sa 74 porsyento ng kabuuang bilang ng mga na-displace o mga kinailangan ilikas sa kanilang tahanan dahil sa aktibidad ng bulkan.
Umaasa naman ang PRC ng suporta sa publiko upang patuloy na matulungan ang mga apektado ng nasabing kalamidad. | ulat ni Diane Lear