Nagsisilbing “game changer” ang mga cyber warrior ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-operate ng militar sa panahon ng kapayapaan, kaguluhan, krisis at giyera.
Ito ang sinabi ni AFP Vice Chief of Staff Lieutenant General Arthur M. Cordura sa kanyang mensahe, bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng AFP Cyber Group (AFPCyG) sa AFP Headquarters, sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ayon sa opisyal ang cyber operations ay bahagi na ng pambansang depensa at mahalagang instrumento sa “command and leadership”.
Ang cyber capability aniya ang nagbibigay ng “situational awareness” at “actionable intelligence” sa mga pinuno ng military, upang maisakatuparan ang kanilang mga direktiba.
Tiniyak naman ni AFPCyG Commander Colonel Walter Icaro, na patuloy nilang palalakasin ang kakayahan ng cyber warriors mula sa Philippine Army, Navy at Air Force na ipagtanggol ang network ng AFP at ang cyber-domain ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne