Maglalagay na ng SSS E- Centers ang Social Security System (SSS) sa 14 na barangay sa Burgos, Pangasinan.
Ito ay matapos lagdaan ng SSS at ng Burgos Local Government ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagbuo ng SSS E-Centers sa barangay.
Ayon kay SSS Alaminos Branch Head Jose Alvin Altre, sa pamamagitan ng programang ito ay mailalapit na sa barangay level ang serbisyo ng SSS.
Maaari nang dumiretso sa barangay hall ang publiko para ma-access ang iba’t ibang SSS digital platforms.
Nakapaloob sa MOA na obligasyon ng SSS na maglunsad ng orientations, training at hands-on tutorials sa mga assigned local government unit (LGU) personnel at concerned barangays, na mamahala sa operasyon ng E-Centers.
Sila na rin ang magbibigay ng feedback o updates sa referrals at queries mula sa partner offices.
Samantala, ang LGU at barangays naman ang lilikha ng E-Center sa loob ng kanilang barangay na may IT logistics, at pangangasiwaan ng isang competent personnel. | ulat ni Rey Ferrer