Mga pamilya na sinalanta ng pagbaha sa Maguindanao del Sur, sinimulan na ring hatiran ng tulong ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinatiran na rin ng family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may 2,100 pamilya sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur.

Ayon sa DSWD, kabilang din ang libo-libong pamilya na naapektuhan ng pagbaha dulot ng mga pag-ulan nitong nakalipas na mga araw.

Tiniyak ng DSWD na magtuloy-tuloy ang pamamahagi ng agarang tulong sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.

Hindi lamang sa Region 12 kungdi maging sa karatig lalawigan sa Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bukod sa bigay na pagkain, magkakaloob din ang DSWD field office ng cash-for-work (CFW) allocation sa kada munisipalidad sa Maguindanao del Sur.

Ang cash for work ay isang short-term intervention para matulungan ang sinumang indibidwal na magkaroon ng pansamantalang trabaho.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us