“Love the Philippines” o ang bagong tourism slogan ng Pilipinas, pinasinayaan na.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ngayong gabi ang Love the Philippines o ang bagong tourism slogan ng Pilipinas para sa patuloy na pagpapalakas ng tourism sector ng bansa.

Sa selebrasyon para sa ika-50 taon ng Philippine Tourism, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binigyang-diin na ang Pilipinas, hindi mauubusan ng maia-alok sa mga bisita, mapa-tourism destination man, pagkain, kultura, kaugalian.

Sinasalalim ng bagong slogan na ito kung gaano kadali para sa Pilipinas ang mahalin ng ibang bansa.

Ayon sa pangulo, ang bagong branding na ito ay magsisilbing gabay para sa pagsulong pa ng tourism industry ng Pilipinas.

Kaugnay nito, nagpasamalat ang pangulo sa DOT at lahat ng mga naging kabalikat ng pamahalaan, para sa pagbup ng tourism slogan na ito, na layon aniyang itampok ang isang kumpletong tourism experience para sa bawat bisita ng bansa.

“This is new branding which we unveiled today. It will serve as our guidepost for the PH Tourism Industry moving forward. Allow me then to express my sincere appreciation to Tourism Secretary Cristina Frasco and for the DOT team because aside form the tourist destination, the campaign that you have conceptualized aims to enhance the overall experience of every traveler. Included in the list of targets are to promote regional products, build more infra for ease of travel and champion green movements amongst others.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us