Bidding para sa plaka ng mga sasakyan binuksan na, ayon sa DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na ang bidding para sa mga plaka ng mga sasakyan.

Ito ang kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) sa isang pulong balitaan ngayong araw.

Matatandaang mayroon ding kakulangan sa supply ng plaka ng mga saksakyan kasunod na rin ng pagkaubos ng plastic cards para sa driver’s license.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Administration and Finance Kim Robert de Leon, sa tatlong bidders isa lang ang nakapasa sa bidding process.

Dagdag pa ng opisyal, isasailalim pa ito sa masusing pagsusuri at post qualification assessment, sakaling walang maging problema ay maaari nang mai-award ang kontrata sa bidder sa susunod na buwan.

Magiging mahaba rin ani De Leon ang proseso, dahil mayroong security features ang mga plaka kumpara sa plastic cards.

Posible namang masimulan ang delivery ng mga plaka ng mga sasakyan sa Oktubre.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us