DOTr, iginiit na walang pinaboran na kumpanya sa pagbili ng plastic cards para sa driver’s license

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng Department of Transportation o DOTr na walang pinaboran na kumpanya sa nangyaring procurement process o pagbili ng driver’s license plastic cards.

Ito ay matapos ang mga pagpapahiwatig na nagkaroon ng pagpabor sa isang kumpanya para mai-award ang kontrata sa pag-deliver ng mahigit limang milyong plastic cards.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Administration and Finance Kim De Leon, sumunod sa lahat ng hakbang at alituntunin ng Republic Act 9184 o Procurement Law ang ginawang pagbili sa plastic cards ng DOTr.

Giit ng opisyal, walang pinaboran ang ahensya at sumunod ito sa tinatadhana ng batas.

Dagdag pa ni De Leon, hindi lang financial bid ang tiningnan, kundi kailangan din ma-establish ang kakayahan ng magiging supplier na maibigay ang pangangailangan na sakop ng definition of terms.

Matatandaang nai-award ang kontrata sa Banner Plastic Cards Incorporated na nakatakdang mag-deliver ng isang milyong plastic cards sa loob ng 60 araw o hanggang sa August 26. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us