Bumoto ang 304 na mambabatas para pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang amyenda sa Official Development Assistance (ODA) Law.
Layunin ng House Bill 7311 na palawakin ang ODA portfolio upang mapondohan ang mas maraming proyekto.
Nakasaad sa panukala ang pagpapahintulot sa mga private at commercial institution na pondohan ang ODA.
Ang mga lokal na pamahalaan naman ay maaari na ring makakuha ng ODA loans at ang mga kaakibat nitong tax relief.
Mula sa kasalukuyang 25% ODA grant component ay ibababa ito sa 15%.
Aalisin na rin ang 40% requirement para sa weighted average grant element sa lahat ng ODA loans.
Dapat namang dumaan at aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA)- Investment Coordination Committee ang lahat ng ODA projects at kailangan ding tiyakin na sumusunod ito sa itatakdang environmental, social, at governance standards. | ulat ni Kathleen Jean Forbes