???, ???????? ??? ???????? ???????? ??????? ?? ???????? ?? ?????? ?? ??? ??????? ?? ??????? ????? ?? ???????? ?? ?????????? ??? ????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang regional offices na maghatid ng ano mang tulong sa mga tourist resort at tourism sites sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, kabilang sa mga apektadong beach resorts sa lalawigan ng Oriental Mindoro ay ang Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort, at Buhay na Tubig White Beach Resort dahil sa pagkalat ng oil spill sa naturang lugar at umabot na ito sa probinsya ng Antique.

Dagdag pa ni Frasco na nakikipag-ugnayan ito sa ibaโ€™t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB), Philippine Coast Guard (PCG) at ibaโ€™t ibang lokal na pamahalaan na sakop nito.

Samantala, base sa datos na nakalap ng DOT, wala pang naitalang pagkalat ng oil spill sa isla ng Boracay at sa Tubataha Reef at patuloy ang kanilang monitoring hinggil dito. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us