Nasa Riyadh, Saudi Arabia na ang mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ito’y para magsagawa ng 4 na araw na Overseas Assessment Program na siyang susuri sa mga nagtapos ng Pilipino Skills Training.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh, malugod na tinanggap ang delegasyon ng TESDA ng kanilang mga kasamahan.
Pagkakalooban ng Certificates of Competency ang mga nakapasa sa isasagawang assessment ng TESDA delagates.
Layon ng Overseas Assessment Program na padaliin ang pagpapahusay ng mga manggagawang Pilipino lalo na iyong mga caregiver at iba pang health service professional.
Mayroon ding hiwalay na grupo ang TESDA sa Jeddah patungo sa kanlurang rehiyon ng Kingdom of Saudi Arabia para magsagawa rin ng kahalintulad na programa. | ulat ni Jaymark Dagala