Nakikiisa si House Speaker Martin Romualdez sa paggunita ng mga kapatid nating Muslim sa bansa at sa ibang panig ng mundo sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Aniya, sa pag-alala ng mga kapatid nating Muslim sa kahandaan ng propetang si Ibrahim na ialay ang kaniyang anak, ay ipinapakita rin nito ang katatagan ng mga Filipino Muslim para makamit ang mapayapa at masaganang buhay.
“Today we join our Muslim brethren in marking Eid’l Adha. Through this feast, our Muslim friends remember and honor the prophet Ibrahim’s willingness to sacrifice one of his sons as an act of obedience to God’s command. God would later provide a lamb for sacrifice, saving Ibrahim’s son,” saad ni Romualdez.
Pagtitiyak naman ng House leader na patuloy na isusulong ng Kongreso at ng Marcos Jr. administration ang inklusibong pag-unlad upang mapagbuti ang buhay ng bawat Pilipino kasama ang ating Muslim brothers.
“For me, this occasion reflects Filipino Muslims’ quiet and enduring sacrifice toward a peaceful and prosperous life in our home country. I assure you that these efforts aren’t lost us public servants in government, and that the administration of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. continues to pursue genuine inclusive progress that would uplift the everybody’s lives,” ayon sa House leader.
Tinuran din ng Leyte solon ang selebrasyon ng Eid’l Adha ay tungkol sa pagbabahagi, isang katangian ng mga Pilipino.
“Eid’l Adha is also commemorated through sharing and gift-giving. This harkens to a core trait of Filipinos wherein we tend to share to others what little resources we have, and we do so with a smile. It is these characteristics that keep Filipinos tightly knit, whatever faith we may have,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes