DSWD: Huwag tangkilikin ang kumakalat na fake accounts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiningi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kooperasyon ng publiko para labanan ang kumakalat na fake account ng ahensya.

Sa kanilang abiso, hinimok nito ang publiko na i-report ang accounts na hindi galing sa mga opisyal na account ng DSWD para magawan ng kaukulang aksyon.

Sa ganitong paraan din matitigil na ang panloloko sa mamamayan.

Ibinunyag ng DSWD na isang FAKE account ang https://www.facebook.com/DSWDPHILIPPINES.

Ginagamit din nito ang pangalan at logo ng DSWD sa panloloko ng mga kliyente ng kagawaran.

Paalala sa publiko, huwag basta-basta mag-click ng mga kaduda-dudang links na pinapadala sa mga Messenger, mga post sa Facebook groups, at sa text messages.

Para malaman ang mga updated na mga programa ng DSWD, maaari nilang bisitahin ang opisyal na website sa https://www.dswd.gov.ph at sundan ang mga opisyal na social media account nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us