Dumating na sa AFP Wescom PAR ang missile at anti-submarine warfare (ASW) frigate ng Philippine Navy, BRP Antonio Luna at AW159 Wildcat” helicopter.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa area of responsibility ng AFP Western Command (WESCOM) ang missile at anti-submarine warfare (ASW) frigate ng Philippine Navy,ang BRP Antonio Luna (FF151), at ang AW159 Wildcat” helicopter.

Idineploy ang dalawang anti-submarine warfare sa western border ng bansa upang tumutok sa maritime at sovereign patrols at masiguro ang presensya ng sandatahang lakas partikular sa West Philippine Sea (WPS).

Ang presensya ng FF151 and AW159 sa WESCOM joint operational area ay nagpapakita ng kahandaan ng AFP at commitment nito na ipagtanggol ang maritime interest ng bansa laban sa anumang potensyal na banta sa nabanggit na bahagi ng bansa.

Tinitingnan ng AFP na ang deployment ng nasabing warfighting assets ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang soberanya at teritorial integrity ng Pilipinas.

Patuloy rin ang pagtutulungan at koordinasyon ng mga tauhan ng FF151 at AW159 upang masiguro ang kahandaan ng mga ito sakaling kailanganin ng pagkakataon I ulat ni Lyzyl Pilapil

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us