?????????? ?? ?????? ?????? ?????? ?? ?????????? ????? ?? ??? ??????????, ???????? ?? — ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapanahon na ayon sa Philippine National Police (PNP) para mag-level up ang mga fraternity sa recruitment ng kanilang mga bagong miyembro.

Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. bunsod ng panawagan nito sa mga fraternity na higpitan pa ang proseso sa pagre-recruit at tanggalin na ang hazing bilang bahagi ng initiation rites.

Ayon sa PNP chief, masyado nang obsolete o makaluma ang ganitong klase ng pagtanggap sa isang miyembro ng fraternity dahil hindi na ito naaayon sa kasalukuyang panahon.

Ginawa ni Azurin ang pahayag kasunod ng panibagong kaso ng hazing na ikinasawi ng Adamson University student na si John Matthew Salilig mula sa kamay ng tinatawag na “Kapatiran.”

Binigyang-diin pa ng PNP chief na dapat aniya’y inaalagaan ang isang itinuturing na kapatid at hindi sinasaktan na magreresulta sa kaniyang kamatayan.

Kaya naman umaapela si Azurin sa mga fraternity na bantayan ang kanilang hanay mula sa mga ganitong uri ng gawain dahil hindi aniya makatutulong ang pagpapatupad ng Code of Silence kapag buhay na ng kapwa ang nalagay sa balag ng alanganin. | ulat ni

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us