Pamamaril ng mamamahayag sa QC, pinatututukan ni PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatutukan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda, Jr. sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril sa mamamahayg na si Joshua Abiad.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brigadier General Red Maranan, bumuo na ng Special Investigation Task Group Abiad ang Quezon City Police District na tututok sa kaso.

Ito’y para matukoy sa lalong madaling panahon ang mga nasa likod ng krimen at maaresto ang mga ito.

Kasabay nito, sinabi ni Maranan na mariing kinokondena ng PNP ang panibagong kaso ng karahasan sa media.

Sa ngayon, patuloy na nangangalap ng ebidensya at testimonya ang mga pulis para bigyang linaw ang kaso.

Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa pamilya ng biktima at mga kasamahan nito sa pahayagang Remate para makakuha ng karagdagang impormasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us