India, muling tiniyak ang suporta sa Pilipinas pagdating sa Defense Modernization

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng Pamahalaan ng India ang buong suporta nito sa Pilipinas partikular na sa modenisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

Ito ang tiniyak ni Indian Minister for External Affairs Subrahmanyam Jaishankar (Subamanu Jayshankar) kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa 5th India-Philippines Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi.

Batay sa inilabas na joint statement, kapwa nagpahayag ng kanilang interes ang dalawang opisyal upang palakasin at patatagin pa ang ugnayan nito gayundin ang pagpapalitan ng mga kasanayang militar at pangdepensa.

Maliban dito, ikinukonsidera rin ng India ang pagpapadala ng Defense Attaché sa Pilipinas, pagpapautang para sa kaukulang defense requirements, at pagbili ng mga naval asset.

Handa rin ang India na magpautang sa Pilipinas sa pamamagitan ng soft loan na may concessional interest rates. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DFA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us