BJMP at DSWD Personnel, magkatuwang sa repacking ng relief goods para sa mga sinalanta ng nagdaang bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumulong na ang mga tauhan ng Quezon City Jail Mail Dormitory sa repacking ng relief goods sa DSWD-National Resource Operation Center sa Pasay City.

Ayon kay QCJMD Warden JSupt. Michelle Ng Bonto,
ang mga relief goods ay ipapamahagi sa mga naapektuhan noon ni Bagyong #BettyPH.

Isinagawa ito ng mga jail personnel sa mga huling araw ng kanilang selebrasyon na ika-12 taong BJMP Community Relations Service Month nitong buwan ng Hunyo.

Ang pagtulong sa DSWD ay ilan lamang sa mga aktibidad na isinagawa ng QCJMD.

Una rito ang feeding program sa may 100 residente ng barangay Kamuning, ang lingguhang information drive tungkol sa National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Anti-Smoking Campaign, Anti-Drugs Campaign, Clean-up drive sa Estero, BJMP Recruitment at E-Sumbong mo kay RD.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us