Binigyan ng pagkilala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Pangasinan sina Renz C. Baring at John Mark B. Reynosa mula sa Bayambang National High School, Dave P. Soriano ng Alaminos City National High School, at Christian Gerico P. Somoray ng Urdaneta City National High school na siyang sumabak sa National IT Challenge na ginanap sa Bayview Park Hotel, Manila noong ika-26 hanggang ika-27 ng Hunyo.
Ang mga nasabing Youth with Disabilities na nakatanggap ng parangal ay produkto ng 1st Pangasinan IT Challenge na ginanap sa Provincial Training Center 1 sa Bayan ng Lingayen, Pangasinan noong ika-21 ng Hunyo.
Ito ay programa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ng Persons with Disabilities Affairs Office.
Samantala, pasok sa gaganaping Global IT challege sa Dubai ngayong Oktobre sina Somoray, Baring, Reynosa at Soriano nang makapasa sa qualifying competition sa kategroyang e-Creatives at e-Content kung saan sila ay nakakuha ang markang 80 percent.
Ayon sa Disabillity Affairs Office ng probinsya, layon ng kompetisyon na tulungang hikayatin ang mga kabataang may kapansanan na maipakita ang kanilang potensyal pagdating sa information technology.
Binigyang-diin naman ni Gov. Ramon “Mon-mon” Guico III ang importansya ng programa bilang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat na naipakita ang galing at talento.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan