Bulkang Mayon, patuloy pang nagpaparamdam ng volcanic earthquake at rockfall events

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatili pa ring mataas ang aktibidad ng bulkang Mayon sa Legaspi, Albay.

Base sa ulat ng Phivolcs, nakapagtala pa ng abot sa 65 volcanic earthquake at 254 rockfall events ang bulkan sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras.

Bukod pa dito ang 17 dome-collapse pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.

Abot na sa 2.23 kilometro ang haba ng mabagal na lava flow sa Mi-isi at 1. 3 km sa Bonga Gullies. Nasa 3.3 kilometro naman ang gumuhong lava at 4 na kilometro sa Basud gully mula sa crater.

Samantala, nakapagtala din ang Phivolcs ng 11 volcanic earthquake kabilang ang 4 na volcanic tremors sa Bulkang Taal sa Batangas.

Nakikitaan pa rin ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake ng bulkan.

Kasalukuyang nasa alert level 3 pa rin ang Bulkang Mayon habang alert level 1 naman ang Bulkang Taal.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us