Lava flow ng Mayon Volcano sa bahagi ng Mi-isi gully, umabot na sa 2.7 kilometro ang haba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas maraming lava ang patuloy na dumadaloy sa bahagi ng Mi-isi gully ng bulkang Mayon sa Albay.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong umaga, nasa 2.7 kilometro na ang haba ng lava flow mula sa crater ng bulkan kumpara sa 2.23 kilometro kahapon.

Nananatili naman sa 1.3-kilometer ang lava flow sa bahagi ng Bonga Gully.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala lamang ng apat na volcanic earthquake ang Mayon, pero lumobo sa 397 ang rockfall events kumapara sa 254 kahapon.

Nakapagtala lamang ng 2 dome collapsed pyrocalstic density current events sa bulkan na mas mababa kumpara kahapon.

Samantala, naitala naman ang 11 volcanic earthqauke sa Taal Volcano sa Batangas. Kabilang dito ang 8 volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 2 minuto. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us