Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong insidente ng hazing sa Quezon City.
Nais ng CHR na mabigyan ng hustisya ang menor de edad na biktima ng hazing na nagresulta ng kanyang pagka-ospital.
Base sa preliminary investigation report ng Quezon City Police District, hinimatay ang biktima dahil hindi nito matiis ang pananakit na ginawa sa kanya.
Sinasabing miyembro ng Scout Royale Brotherhood Nu-Theta Chapter Fraternity ang biktima at lumipat sa Magic 5.
Nainsulto umano ang dati niyang mga kasamahan sa ginawa niya kaya siya pinarusahan.
Dinala ang menor de edad sa San Roque, Barangay Pagasa at inilipat sa isang shop sa Road 10 at doon isinagawa ang hazing.
May isang suspek na ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) at hinahap pa ang iba. | ulat ni Rey Ferrer