Umapela na rin sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtipid sa paggamit ng tubig.
Ayon sa MMDA, malaki umano ang tiyansa ng pagtama ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Mahalaga umano ang pagtitipid ng tubig bunsod na rin ng mataas na posibilidad ng madalang na pag-ulan.
Nagbigay pa ng water conservation tips ang MMDA kaugnay sa pagtitipid ng tubig
Ilan dito ang pagtiyak na parating sarado ang gripo, regular na check-up ng linya kung may tagas at ugaliin din ang pag recycle ng tubig.
Sabi pa ng MMDA, mas maigi kung gumamit na lang ng tabo at timba sa paliligo sa halip na shower, gayundin sa paglilinis ng sasakyan sa halip na gumamit ng hose, magdilig ng halaman sa umaga at bandang hapon, at maraming iba pa. | ulat ni Rey Ferrer