Mga tauhan ng Philippine Army at Coast Guard, sumailalim sa Road Safety Seminar ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siyamnapu’t pitong (97) tauhan ng Philippine Army at Philippine Coast Guard ang sumailalim sa Road Safety Seminar ng Land Transportation Office.

Ayon kay LTO-NCR Training Facilitator Joey Yap, nilalayon nito na isulong at pahusayin ang road safety awareness sa loob ng kanilang organisasyon.

Ang pagsasanay ay magsisilbi ding refresher para sa government personnel na binibigyang diin ang kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada.

Bukod pa rito, naglalayon itong itaas ang kamalayan tungkol sa potential road hazards.

Bilang karagdagan sa mga seminar sa Road Safety, ang LTO-NCR Driver’s Education Centers ay nag-aalok ng iba’t ibang pagsasanay at seminar, kabilang ang Conductor’s Theoretical Course, ang Theoretical Driving Course at Anti-Drunk and Drugged Driving trainings at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us