Batang nawala sa Barangay Batasan Hills QC, patay nang matagpuan sa Marikina River

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuang wala nang buhay ang batang lalaki na iniulat na ‘missing’ sa Barangay Batasan Hills, Quezon City

Ayon kay Larry Pineda, ang Rescue Unit Personnel ng barangay Batasan Hills, noon pang Biyernes, iniulat ang pagkawala ng batang nasa edad siyam hanggang dose anyos.

Huling namataang naliligo sa Marikina River ang bata kasama ang apat na iba pang kaibigan nang bigla itong nawala.

Nagtulong-tulong na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Philippine Coastguard at Bureau of Fire Protection sa rescue operations pero bigo na matagpuan ang bata.

Ayon sa ulat, kagabi lang natagpuan ang batang lalaki sa ilog na sakop ng barangay Nangka sa lungsod ng Marikina at wala nang buhay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us