Mangangailangan ng dagdag na tulong ang Albay para sa posibleng paglikas ng mga residenteng nakatira sa 7km at 8km danger zone sa Mayon.
Ayon kay Albay 2nd district Representative Joey Salceda kung magtutuloy-tuloy ang heightened volcanic activity ng Mayon Volcano, batay na rin sa obserbasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ay kakailanganin na rin ilikas ang mga nakatira sa 7km at 8km danger zone.
Tinataya aniyang nasa 8,000 pamilya o 30,000 na indibidwal ang ililikas kaya’t mangangailangan aniya ng sasakyan para dito.
Kaya’t umapela ng kinatawan sa national government at pribadong sektor na tumulong sa paglilikas ng naturang mga residente oras na kailanganin na.
“Even with the mobility assets already deployed by the Armed Forces of the Philippines to support evacuation, we estimate it will take three and a half days, given time-and-motion calculations. So, we need all the vehicles we can prepare. My office is prepared to support the needs of local government units, and I have commitments from private sector members, including those in the construction and transport sectors, to provide transportation aid,” ani Salceda.
Batay aniya sa kanilang karanasan noong 2010, kakayanin ang paglilikas ng isang buong araw basta’t sapat ang mobility asset.
“We have to do it very quickly because ashfall as a situation can develop rapidly, and you have hours, not days, to move people,” dagdag pa ng kinatawan.
Muli namang ipinaabot ni Salceda ang pasasalamat sa national government sa maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residenteng lumikas.
“I reiterate my thanks to the President and his team for their quick response to our needs for food assistance and economic support. At least we will not have to worry about how to feed evacuees when we have to evacuate more,” sabi ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes