Taguig LGU, naglunsad ng Roadside Emergency Assistance para sa mga motorista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng Roadside Emergency Assistance para sa mga motorista na tinawag na ROADSIDE EMERGENCY ASSISTANCE IN THE CITY OF TAGUIG (REACT).

Layon ng programa na agarang masolusyonan ang mga vehicle breakdown sa mga pangunahing kalsada ng Taguig sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng towing sa loob lamang ng lungsod ng Taguig, battery jump-start, flat tire replacement, at minor mechanical repairs at adjustments, at referral sa mga “talyer” para naman sa mga major mechanical issues.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, layon din ng nasabing programa na magkaroon ng ligtas at maginhawang pagbiyahe ang mga motoristang dumadaan sa kanilang lungsod.

Ang pilot testing ng nasabing programa ay mula 6:00 A.M. hanggang 12:00 ng hatinggabi sa mga pangunahing kalsada ng Taguig, kabilang ang C6 Road, C5 Road, General Santos Avenue, DOST Area, at Cayetano Boulevard.

Maaaring tumawag ang mga motorista sa Command Center Hotline ng Taguig sa (02) 8789-3200, o di kaya ay sa mga hotline ng Traffic Management Office na: (02) 8640-7006; Smart : (0929) 631 5924; (0929) 631 5740; Globe: (0977) 311 6359; (0945) 113 6059.

Maaari din mag-message sa Traffic Management Office – City of Taguig Facebook page.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us