DMW Sec. Ople, pinasalamatan si PBBM sa patuloy na suporta sa kanilang kagawaran sa unang taong termino bilang Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na pagsuporta sa kanilng kagawaran sa pagkalinga sa ating mga OFW na nasa ibayong dagat.

Aniya, ito’y dahil sa masusing pagbibigay at pagsuporta ng ilan sa mga programa na magpapaigting sa kapakanan ng ating overseas Filipino workers.

Dagdag pa ng ng kalihim na kaisa sila ng Pangulo sa nagsusulong din ng digitalization sa bansa dahil nakatakdang magamit na ang kanilang mobile app na hatid ang ilan sa mga serbsiyo ng DMW sa bawat smartphone ng OFWs.

Samantala, muli namang siniguro ni Ople sa publiko na makakaasa ang ating mga kababay sa pagsusulong ng DMW upang magkaroon ng mas maayos at mas malawak na serbisyong hatid ng DMW sa ating mga migrant workers. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us