VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng monitoring at evaluation sa DepEd para sa pagsasagawa ng reporma sa edukasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng ‘monitoring’ at ‘evaluation’ sa Department of Education para sa pagsasagawa ng reporma ng education system sa bansa.

Aniya, isa sa dapat pagtuunan ng pansin ang pagsagawa ng monitoring at evaluation upang maging isa ito sa ‘parameters’ sa pagsusulong ng mga makabagong programa sa DepEd.

Kaugnay nito, nagsagawa ng ‘breakout session’ ang development at government partners ng DepEd upang talakayin ang mahahalagang konsepto sa pagbuo ng M&E framework, pagtatatag ng layunin at saklaw ng M&E, pagkolekta ng tamang impormasyon, pagsusuri ng mga datos.

Samantala, muli namang ipinabatid ni VP Sara sa publiko na patuloy ang pagtugon ng Kagawaran upang mapalakas ang sistema ng edukasyon sa mga mapanghamon na panahon. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us