Pinuri ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang ‘impressive’ na unang taon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa puwesto.
Ayon sa National Unity Party stalwart, naibalik ni PBBM ang pagiging disente ng public office.
Hindi rin aniya hinayaan ng presidente na magpadala sa emosyon at sa halip ay pinairal ang propesyonalismo.
“I like how the President carries himself. He was humble enough to give himself an ‘incomplete’ grade in his first year while being firm in saying that it’s best to take things in stride as the country is getting back on its feet post-pandemic,” ani Barzaga.
Maliban dito, malaki rin aniya ang naitulong ng Pangulong Marcos Jr. upang maibalik muli ang respeto at pagkilala ng international community sa Pilipinas.
Kabilang na aniya dito ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang ‘investment destination’ at pagpapalakas ng diplomatic at economic relations sa ibang mga nasyon gayundin ang pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
“The Marcos Jr. administration is doing something right. We just have to remain on track and ensure that this growth is trickling down to the grassroots level,” dagdag ng Kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes