Pinapurihan ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos ang idinaos na LGBT Pride Reception sa Malacañang kamakailan.
Aniya maituturing na isang makasaysayang pagtitipon ang naturang event.
Malaki rin ang pasasalamat ng kongresista sa pagsuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikinasang inisyatiba ng LGBT Pilipinas bilang pakikiisa sa Pride Month.
Aniya, malaking bagay ang pagbibigay halaga ng Pangulo sa pantay na pagtrato at pagrespeto sa komunidad ng LGBT at pagpapatibay sa pangako ng administrasyon na itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian.
Umaasa naman si Abalos na magtutuloy-tuloy ang pagsusulong ng mga SOGIESC-Inclusive Policies para sa karapatan at kapakanan ng LGBT community.
“Maraming Salamat President Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa pagkilala sa sektor ng LGBT. Sa ating pagdiriwang, hangad po natin ang pagsusulong ng mga SOGIESC-Inclusive Policies na magbibigay daan sa LGBT Community na makamit ang buong suporta at respeto ng bansa,” saad ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes