Kontribusyon ng pribadong sektor para sa programang pabahay ng pamahalaan, kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang private sector sa kanilang pagsuporta at pag-agapay sa mga programa ng gobyerno, partikular sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH project.

Ito ang mensahe ng pangulo sa kanyang ginawang pag-inspeksyon ngayong araw sa housing project sa San Fernando, Pampanga.

Pinuri rin ng punong ehekutibo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang trabaho na maisakatuparan ang flagship project ng administrasyon.

Kasama ng Pangulo si House Speaker Martin Romualdez, DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at iba pang top government official sa pag-inspeksyon ng progreso ng Crystal Peak Estate.

Ang 9.8-hectare multistory Crystal Peak Estate ay ang housing development na itinatayo ng Social Housing Finance Corporation sa Barangay del Carmen, San Fernando Pampanga.

Ang proyekto ay pakikinabangan ng tinatayang 10,200 pamilya mula sa pampubliko at pribadong sektor kabilang ang mga overseas Filipino worker at mga uniformed personnel. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us