North-South Commuter Railway, inaasahang magpapasigla sa railway industry sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang sisigla ang railway industry sa bansa oras na matapos na ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR).

Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ground breaking ceremony ng South Commuter Railway Project o Alabang-Calamba segment ng NSCR.

Ayon kay Bautista, kapag natapos na ang NSCR mas maraming commuter ang mabebenepisyuhan.

Nagbigay daan na rin aniya ang Philippine National Railways (PNR) matapos nitong suspendihin ang operasyon nito sa Alabang-Calamba segment ng nasabing linya ng tren.

Paliwanag pa ng kalihim, ang kasalukuyang tracks mula sa Alabang patungo sa Calamba ay ililipat para sa 565-kilometer South-Long-Haul project na magtutuloy-tuloy hanggang Bicol.

Ang 147-kilometer NSCR ay may 35 istasyon at mayroon 51 commuter train sets at pitong express train sets.

Inaasahan na mapapaiksi nito ang biyahe ng dalawang oras mula Clark Airport sa Pampanga hanggang Calamba sa Laguna ng dalawang oras mula sa mahigit apat na oras kapag ito ay natapos sa 2029. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us