Isinagawa ngayong araw ang Luzon Area Regional Development Committee Second Quarter Meeting sa MMDA Head Office sa Pasig City.
Layon ng naturang pulong na talakayin ang mga panukalang priority agenda sa Luzon Area RDCom Priority Agenda para sa taong 2023-2025.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Luzon RDCom ang pulong kasama si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes.
Kabilang sa mga natalakay, ang update sa pag-amyenda sa Executive Order 325 at 257, panukalang tulong pinansyal para sa mga lokal na pamahalaan na nag-host at nag-ambag sa water resources projects, at pagpili ng isang Luzon Regional Development Expert sa NEDA Board RDCom.
Kasama rin sa pulong ang Department of Information and Communications Technology kung saan nagbigay ito ng update sa implementasyon ng National Broadband Plan sa NCR, Ilocos Norte at Cagayan.
Samantalang nagbigay naman ng briefer ang Department of Transportation ukol sa North Long-Haul Project, na isang inter-regional railway system sa Northern Luzon.
Ang Regional Development Council-National Capital Region na pinamumunuan ni Chair Artes ay miyembro ng Luzon RDCom. | ulat ni Diane Lear