Mga senador, dismayado sa isyu ng paggamit ng stock footages sa promotional video ng bagong tourism slogan ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinadismaya ng ilang mga senador ang isyu tungkol sa paggamit ng stock footages ng mga lugar sa ibang bansa na ginamit sa bagong tourism campaign na inilunsad ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Senate Committee on Tourism Chairperson Senadora Nancy Binay, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ang DOT at mga ahensya nito ng puna mula sa mga netizen dahil sa ilang creative lapses.

Giit ni Binay, dapat ay may accountability dahil pera ng taumbayan ang ginastos ng DOT para bayaran ang mga ad agencies.

Umaasa ang senadora na itatama ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pagkakamaling ito at tiyakin na ang integridad ng brand ng Pilipinas ay hindi mababawasan dahil sa oversight na ito.

Hindi rin aniya dapat nagpapabaya ang DOT sa ganitong multi-million pesos na kampanya.

Dinagdag rin ng mambabatas na ang ganitong mga promotional anomaly ay nakakaapekto sa desisyon ng mga biyahero at nagpapakita rin ng negatibong imahe kung paano natin pino-promote ang ating mga tourist destination.

Tinawag naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na unprofessional work ang ginawa ng ad agency na paggamit ng mga stock footages. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us