6 sensory evaluation ng rainfed rice sa Calabarzon, isinagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON Lipa Agricultural Research and Experiment Station ang Sensory Evaluation ng 6 na rainfed rice varieties sa 30 na magpapalay ng Tiaong, Quezon at San Juan, Batangas kamakailan.

Ayon sa pabatid ng kagawaran, nilalayon ng nasabing sensory evaluation na alamin ang pinakaangkop, may pinakamaraming ani sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan, at pinakatanggap-tanggap na variety ng palay base sa kagustuhan ng konsumante.

Anila ito ay parte ng panaliksik na Next Gen PLUS: Market driven testing sa mga lugar na walang maayos na patubig.

Base sa naturang ebalwasyon, ang NSIC Rc216 ang nanguna bilang pinakaangkop na variety na mayroong ani na aabot sa 5.5 tons kada ektarya.

Ito ay naisakatuparan ng DA IV-A sa tulong ng DA-Rice Research Institute, International Rice Research Institute at mga lokal na pamahalaan. | ulat ni Tom Alvarez

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us