Nagbukas ng panibagong pasilidad ang Southeast Asian Fisheries Development Center – Aquaculture Department (SEAFDEC/AQD) sa Tigbauan, Iloilo.
Ginanap ang inagurasyon ng Black Tiger Shrimp Broodstock Facility kasabay sa pagdiriwang ng SEAFDEC/AQD ng kanilang ika-50 na anibersaryo.
Ayon kay Aquaculture Department Chief Dan Baliao, layon ng SEAFDEC na pasiglahing muli ang Tiger Shrimp Industry ng bansa na matagal ng sinusubok dahil sa mga sakit.
Ang pasilidad ay may apat na broodstock tanks na kayang paglagyan ng halos 1500 breeder ng sugpo kada tangke.
Sa tansiya ng mga eksperto, sa isang taon, kaya ng broodstock facility na makapag-produce ng 80,000,000 postlarvae ng sugpo.
Samantala, maliban sa Black Tiger Shrimp Broodstock Facility, pinasinayaan rin ang Milkfish Larval Rearing Facility na may production capacity na 320 million eggs sa isang taon. | ulat ni Hope Torrechante