Malapit ng masimulan ang sea fast craft biyaheng Sandakan, Sabah Malaysia patungong Turtle Islands, Tawi-Tawi.
Sa pagbisita ni Alkalde Haji Mohammad Faizal Jamalul ng Turtle Islands kay Datu Seri Haji Hajiji Bin Noor Chief Minister ng Sabah, Malaysia.
Kanilang napag-usapan ang pagkakaroon ng sea fast craft na biyahe na may kapasidad na 250 pasahero. Ito ay bibiyahe araw-araw ng alas otso ng umaga mula Sandakan papuntang Turtle Islands at babalik ng alas dose ng tanghali.
Layunin ng naturang proyekto mabuksan ang eco-tourism ng isla, bilang isa sa nesting sites ng pagong sa buong mundo, at bilang nag-iisang natural na nesting ground ng green turtles sa Southeast Asia.
Samantala, inaasahan ang pagdating ng maraming turista sa pagbubukas ng naturang proyekto, Kasama na dito ang pagbibigay oportunidad na kumita sa mga residente.| ulat ni Laila Sharee T. Nami| RP1 Tawi-Tawi