Mahigit 27,000 barangay sa buong bansa, nalinis sa ilegal na droga sa termino ng Pres. Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na magwawagi ang pamahalaan sa laban kontra sa ilegal na droga.

Sa isang statement na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan, umabot sa 27,206 barangay ang nalinis ng PNP mula sa ilegal na droga mula July 2022 hanggang April 2023.

Dahil dito 8,332 na lang ang natitirang drug-affected barangay mula sa kabuuang 42,027 barangay sa bansa.

Sa loob ng naturang siyam na buwan, nakapagsagawa ang PNP ng 32,225 anti-illegal drugs operations kung saan narekober ang 21.72-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga.

Dito’y naaresto ang 44,866 drug personalities, kung saan 3,169 ang itinuturing na high-value drug personalities.

Dahil dito, sinabi ni Maranan na nagtagumpay ang PNP na mabali ang “backbone” ng drug network sa bansa.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us