26 probinsya sa bansa, posibleng makaranas ng matinding tagtuyot dahil sa El Niño — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil inaasahan ng PAGASA na mas titindi pa sa mga susunod na buwan ang epekto ng El Niño ay posibleng malaking bilang din ng mga lalawigan sa bansa ang makaranas ng dry spell at drought o matinding tagtuyot hanggang sa Enero ng 2024.

Sa outlook ng PAGASA, posibleng umabot sa 28 probinsya ang makaranas ng dry condition, 36 naman ang magkakaroon ng dry spell habang nanganganib sa banta ng matinding tagtuyot ang Camarines Norte at Southern Leyte sa pagtatapos ng 2023.

Pinangangambahan namang madaragdagan pa at umabot na sa 26 na probinsya sa Luzon ang makaranas ng matinding tagtuyot sa pagtatapos ng enero ng 2024.

Kabilang dito ang mga lalawigan ng Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Nueva Vizcaya, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Metro Manila, Batangas, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, at Spratly Islands.

Ayon naman kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Ana Liza Solis, maaari pang magbago ang mga datos na ito habang nagde-develop ang El Niño.

Samantala, dahil sa El Niño ay maaaring hanggang 14 na bagyo lang ang pumasok sa bansa ngayong taon ayon sa PAGASA.

Payo naman ng PAGASA, samantalahin ang mga pag-ulan mula Hulyo para mag-ipon ng tubig at magtipid na rin upang mabawasan ang epekto ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us