Pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal, blocking incident at hindi shadowing — PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na pangha-harang ang pinakahuling insidenteng naitala sa pagitan ng PCG at Chinese Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal at hindi shadowing, o hindi sinundan ng CCG ang PCG vessels.

“Let me first correct iyong statement na hinabol tayo ‘no. Hindi tayo hinabol – actually, the Philippine Coast Guard vessels are being blocked to enter, to come close sa Ayungin Shoal ‘no because we are supporting the naval operation ng Armed Forces of the Philippines during that time.” — Commodore Tarriela

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi PCG Commodore Jay Tarriela na noong ika-30 ng Hunyo, nasa 10.59 nautical miles ang PCG vessels mula sa Ayungin Shoal, nilapitan sila ng dalawang CCG vessels.

Binawasan aniya ng PCG vessels ang bilis ng kanilang takbo, upang hindi bumangga sa Chinese vessels habang patuloy na sinasagot ang radio challenges ng China.

“What is interesting dito sa China Coast Guard 3103, ay ito ay nanggaling pa sa Bajo de Masinloc ‘no. They travelled all the way from Bajo de Masinloc to Ayungin Shoal to reinforce itong dalawang China Coast Guard vessels na ito. So mayroon tayong tatlong China Coast Guard vessels na na-monitor; we also monitored six Chinese maritime militia and two PLA Navy vessels with bow numbers 629 and 620.” — Tarriela

Noong nakarating na aniya sila sa 9 nautical miles, dito na nila nakita ang anim na Chinese maritime militia na nagkukumpulan at tila hinaharangan ang kanilang pagpasok sa Ayungin Shoal.

Bukod dito, namataan rin ng PCG ang dalawang PLA Navy vessels.

Gayunpaman ayon sa opisyal, naisakatuparan ng PCG ang kanilang operasyon sa pagsuporta sa naval operation ng AFP. | ulat ni Racaquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us