Ipagpapatuloy pa ng pamahalaan ang paggawa ng mga hakbang upang patuloy na mapabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.
“This is a kind of thing that is helping to bring down the inflation rate. That’s why doing this, improving the technologies, helping our farmers, at both ends of that value chain, there is an advantage because the farmers will make more money because they’re spending less because they are more efficient.” —Pangulong Marcos.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng natialang 5.4% na inflation rate para sa buwan ng Hunyo. Mas mababa kumpara sa 6.1% na naitala noong Mayo.
“Mahalaga dahil we are helping the producers of agricultural commodities to lower the price, to make more efficient all their production, and also to take full advantage of the new technologies. Nakita naman natin ‘yung nandoon ‘yung mga naka-display. Hindi lamang ‘yung mga makinarya. Hindi lamang ‘yung mga infrastructure, kung hindi pati na ‘yung mga breeding, pati na ‘yung mga – paano ‘yung mga pag-consolidate. All of these we are trying to put together.” —Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa pangulo, nakaambag sa pagbaba ng inflation ang pinagsama – samang hakbang ng gobyerno, tulad ng pagpapalakas sa produksyon ng agri sector, paggamit ng makabagong teknolohiya, pagkakaroon ng maayos at scheduled na importasyon ng agri products, halimbawa ang asukal.
“Now that we have been able to stabilize the price of sugar by making a very clear schedule of importation, making very clear schedule of assignment of the importation and where it goes to the industrial, if it goes to food.” —Pangulong Marcos Jr.
Nakatulong rin ayon sa pangulo ang patuloy na pagsuporta sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa, upang mapataas ang kita ng mga ito, at mapababa ang kanilang gastos sa pagsasaka, na siya namang mararamdaman ng mga consumer.
“At least stable and we can plan, and we know exactly. We will try of course to continue to bring it down but that requires our success in increasing our production, making it more efficient. And again, the value chain that I am always talking about ad infinitum already but it’s really the answer.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan