Umabot na sa mahigit 28,000 na mga puno ang naitanim ng satellite offices ng Office of the Vice President (OVP) hanggang nitong June 30.
Bahagi ito ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees campaign ng OVP, na layong makapagtanim ng isang milyong puno pagdating ng 2028.
Layon din ng programa na makapagbigay ng isang milyong backpacks na may gamit pang-eskwela at dental kits sa mga mag-aaral sa buong bansa.
Nagsagawa ng region-wide tree planting activities ang satellite offices ng OVP Zamboanga, OVP Davao, OVP Tacloban, OVP Bacolod, OVP BARMM, at OVP Cebu para sa naturang programa.
Nagpasalamat naman si Vice Presidente Sara Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan at mga partner nito, na sumuporta sa matagumpay na paglulunsad ng PagbaBAGo program.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, mahalaga na pangalagaan ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. | ulat ni Diane Lear