Lote para sa ‘Home for Girls,’ pinagtibay ng Iloilo Provincial Government at DSWD VI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Governor Arthur Defensor Jr. at Department of Social Welfare and Development VI (DSWD-6) Regional Director Carmelo Nochete ang pagpirma ng deed of usufruct sa pagitan ng Iloilo provincial government at DSWD VI para sa humigit-kumulang 2,000-square meter na lote sa bayan ng Cabatuan na inilaan bilang isang site para sa Home for Girls.

Ang DSWD Home for Girls ay pasilidad na nagbibigay ng isang kapaligirang nag-aalaga tulad ng pabahay, edukasyon at suporta sa kabuhayan sa mga batang babae na may mga espesyal na pangangailangan na hindi sapat na matugunan ng kanilang pamilya.

Ang seremonya ay sinaksihan ni Assistant Regional Director for Operations Arwin Razo, DSWD VI Protective Services Division Chief Katherine Joy Lamprea, at Provincial Social Welfare and Development Office Chief Sarah Barayuga.

Iniharap ni Gobernador Defensor sa regional team ang pinalawak na teen center project ng lalawigan na hindi lamang tumutugon sa pag-unlad ng kabataan kundi nagbibigay din ng ‘psychosocial support’ sa kabataan.

Aniya ang pamahalaang panlalawigan ay magtatayo ng mga youth development center sa mga munisipalidad sa susunod na taon.| ulat ni Bing Pabiona| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us